10 pugantang Japanese national, ipina-deport ng BI
Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 10 Japanese nationals na wanted sa Tokyo dahil sa pagkakasangkot sa big-time telecommunications fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakaalis sa Ninoy Aquino International Airport ang deportees patungong Narita sa pamamagitan ng Japan Airlines flight bandang 10:00 ng umaga.
Kasama ang mga dayuhan ang Japanese na pulis sa biyahe.
“All of them are now banned from re-entering the Philippines as a result of their inclusion in our immigration blacklist of undesirable aliens,” saad ni BI Chief.
Nakilala ang mga dayuhan na sina Mishima Takumi, Tabata Ryota, Kawasaki Ryuto, Irabu Shioki, Onishi Shunsuke, Omata Kenta, Sato Takatoku, Hashizumi Ryushin, Mitani Ren at Oshita Nobuki.
Kabilang ang deportees sa 34 Japanese nationals na naaresto ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa loob ng isang hotel sa Makati City noong November 13, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.