Operasyon ng EDSA Busway at MRT-3, nananatiling maayos
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na nananatiling maayos ang operasyon ng EDSA Busway at Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.
Ito ay sa kabila ng napaulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA simula noong Lunes, July 12.
Sa joint statement ng DOTr, LTFRB, at MRT-3, mahigit 100,000 pa rin ang average ridership ng EDSA Busway sa buwan ng Hulyo kahit pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program.
Sa monitoring ng LTFRB, nasa 300 pampasaherong bus ang bumibiyahe sa EDSA Busway kada araw.
Inaasahang madadagdagan pa ang nasabing bilang para mas marami pang pasahero ang ma-accommodate.
Samantala, nananatili ring mabilis ang travel time sa EDSA Busway.
Kasunod nito, patuloy na hinihikayat ng DOTr at LTFRB ang publiko na gamitin ang EDSA Busway para makatulong na mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada, at maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko, lalo na tuwing rush hour.
Hinikayat din ang publiko na gamitin ang MRT-3 kung bibiyahe sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi rin ng kagawaran na inaasahang maibabalik ang Service Contracting Program sa ilalim ng regular budget ng gobyerno para mabigyan ng insentibo ang Public Utility Vehicles (PUV) na nagbigay ng ginhawa sa mga pasahero sa pamamagitan ng Libreng Sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.