Bomb squad at K9 units ng PNP pinag-isa na

By Ruel Perez April 25, 2016 - 02:59 PM

K9 unit
PNP photo

Inaasahan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magiging bentahe ang pagsanib-pwersa ng Explosive Ordance Division (EOD) at K9 units bilang isang Police operational unit.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ricardo Marquez, sa isinagawang inagurasyon sa Camp Crame kanina, mas magiging episyente at epektibong unit umano ang pinagsamang K9 at EOD o mas kilala sa tawag na Bomb Squad.

Paliwanag ni Marquez, unang una umanong makikinabang ang professionalization ng kanilang mga tauhan sa K9 at EOD mula sa kanilang mga tauhan at lalong lalo na sa pag-aalaga sa mga aso at certification sa mga ito.

Giit ni Marquez, panahon pa bago ang ginanap na APEC Summit sa bansa nung unang maisaisip ang ideya bunga na rin ng mahigpit na pangangailangan ng nabanggit na pinag-isang unit na organisado at isa lang ang trabaho bilang isang territorial unit.

Sa ngayon ay sumasailalim sa training ang mga tauhan ng nasabing police unit bilang isa sa mga frontliner sa paglaban sa banta ng terorismo sa bansa.

TAGS: Bomb squad, eod, k9 unit, Marquez, PNP, Bomb squad, eod, k9 unit, Marquez, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.