CAVITEX Southbound Shoulder lane, isasara muna simula sa July 17
Pansamantalang isasara ang CAVITEX Southbound Shoulder lane, sa harap ng PITX, simula 10:00, Sabado ng gabi (July 17).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layon nitong bigyang daan ang konstruksyon ng isang access road, bilang preparasyon sa pagtatayo ng Asiaworld Station ng LRT-1 Cavite Extension.
Wala namang ipapatupad na lane closure sa carriageway ng Cavitex patungong South, maliban sa bahagi ng Southbound shoulder lane.
Dahil dito, inabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan at mag-ingat dahil magkakaroon ng mga kagamitan at sasakyan para sa naturang konstruksyon.
Maglalagay naman ng ttaffic signages sa lugar upang magabayan ang mga motorista.
Ang naturang traffic adjustment para sa naturang konstruksyon ay binuo katuwang ang PRA, CIC and PEATC.
Humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon ang kagawaran sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.