Insultong magiging ‘jeep’ ang PDP – Laban walang talab – Sen. Koko Pimentel

By Jan Escosio July 15, 2021 - 01:07 PM

Hindi nababahala si Senator Koko Pimentel kung magkakasya na lang sa jeep ang maiiwan na miyembro ng PDP – Laban kapag umalis sa partido si Pangulong Duterte.

 

Ayon kay Pimentel hindi sila manghihinayang kahit sa tricycle na lang magkakasya ang maiiwan sa kanila dahil aniya ang mahalaga ay panindigan nila ang ideolohiya at prinsipyo ng partido na itinatag ng kanyang yumaong amang si Sen. Aquilino ‘Nene’ Pimentel.

 

“Kahit bumalik ka sa tricycle ang importante kasi, may ideology, may pinaniniwalaan, may basic principles and objectives yung party. Hindi lang kayo para kayong country club lang g mga politico, ng mga mayayamang tao,” diin ng senador.

 

At aniya kung pang-iinsulto sa kanila ang naging pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa kanilang partido, hindi sila maiinsulto.

 

Binanggit pa ni Pimentel na maging si Roque ay gustong ‘sumabit’ sa PDP Laban.

 

Buwelta pa niya nakapagpanalo na ng pangulo ng bansa ang kanilang partido noong 2016.

 

Nasabi ni Roque na bago pumasok sa partido si Pangulong Duterte ay magkakasya lang sa jeep ang mga miyembro at babalik aniya ito kung lilisanin na ng Punong Ehekutibo ang PDP Laban.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.