Suspensyon ng number-coding scheme hindi pa babawiin ng MMDA

By Jan Escosio July 15, 2021 - 12:52 PM

Sa kabila nang pabigat nang pabigat na ang lagay ng trapiko sa Metro Manila, hindi pa rin naiisip ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawiin ang suspensyon sa number-coding scheme.

 

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ‘manageable’ pa naman ang trapiko sa EDSA bagamat base sa pinakahuling datos ay nalalapit na ang sitwasyon sa Kapaskuhan noong 2019.

 

Katuwiran ng opisyal maraming dahilan ang dapat ikunsidera bago muling ipatupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).

 

Binanggit nito na hindi pa rin nagbabalik sa normal ang sitwasyon ng pampulikong transportasyon dahil limitado pa rin ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe, gayundin nananatili ang 50% capacity limit.

 

Sinabi pa niya na kung ibabalik ang number coding, malalagay sa kompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga motorista na babalik sa ‘carpooling.’

 

Madadagdag din sa mga pumipila para makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang hindi na magdadala ng kanilang sariling sasakyan.

 

Aniya sa kabila nang pagdami na ng sasakyan na bumabagtas sa EDSA, hindi pa rin naman nagbabalik sa pre-pandemic level ang travel time sa pangunahing lansangan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.