Milwaukee Bucks tumabla sa Phoenix Suns, 2-2, sa NBA Finals Series
Butata ni Giannis Antetokounmpo at pagkawala ng bola ni Chris Paul sa mga huling segundo ang nagselyo sa ikalawang panalo ng Milwaukee Bucks kontra Phoenix Suns sa Game 4 ng NBA Finals series.
Tumikada ng 40 puntos si Khris Middleton para pangunahan ang Bucks sa kanilang panalo kontra Suns, 109 – 103.
Samantala, nag-ambag naman ng 26 puntos si Antetokounmpo, bukod sa 14 rebounds at walong assists.
Sinabi ni Middleton na makukuha nila ang kampeonato kung makakapanalo sila ng isa pa sa homecourt ng Suns.
Bumawi naman si Devin Booker sa kanyang ginawang 42 puntos mula sa 10 puntos sa Game 3, ngunit inalat na siya sa mga huling segundo ng laban.
Babalik sa teritoryo ng Phoenix ang Game 6.
Huling nag-kampeon sa NBA ang Bucks noong 1971, samantalang ang Suns ay hindi pa nahirang na champions simula sa pagpasok sa NBA may 53 taon na ang nakakalipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.