Malakanyang naniniwalang maayos ang diskarte sa giyera kontra COVID 19
Tiwala ang Malakanyang na na maayos na nakakatugon ang gobyerno sa mga hamon dala ng nagpapatuloy na pandemya.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque sa kabila nang kakapusan ng suplay ng COVID 19 vaccines ay epektibo pa rin ang mga ikinakasang istratehiya ng gobyerno.
Depensa pa niya, kung sablay ang mga diskarte ng gobyerno ay maaring hindi pa aabot sa 14 milyong Filipino ang nabakunahan.
Kahapon inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na nakapagbakuna sa buong bansa ng 375,059, ang bagong record-high, noong nakaraang Martes, Hulyo 13.
Kasabay nito, ang paglabas ng resulta ng SWS survey na tumaas noong Hunyo sa 45 porsiyento ang bilang ng mga Filipino na nais nang mabakunahan mula sa 32 porsiyento noong Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.