Bo Perasol binitiwan na ang UP Fighting Maroons

By Jan Escosio July 15, 2021 - 10:21 AM

Nagpaalam na si Coach Bo Perasol sa UP Fighting Maroons matapos ang limang taon.

Kahapon ay kumalat na ang balita nang pagbibitiw bilang coach ng 49-anyos na si Perasol ngunit ngayon lang umaga siya nagbigay ng kanyang pahayag.

“I promised UP after Season 82 that I will stay for another season just to sustain the rebuilding process which started many, many years back, coming off from zero wins back then,” sabi ni Perasol

Ngunit aniya dahil sa pandemya ay nagbago ang lahat kasama na ang kanyang mga prayoridad at plano.

“We have gotten this far in just four seasons under my helm, that is unprecedented in fact. But the team still needs better plans, as always, and a reboot. I have now decided not to coach for my last season,” sabi pa nito.

Binanggit niya na nagsumite na siya sa mga opisyal ng UP ng listahan ng mga maaring pumalit sa kanya.

Sa kanyang pagtimon sa UP Maroons, nakapagtala si Perasol ng 30-32 record at noong UAAP Season 81 noong 2018 ay naihatid pa niya ang UP sa finals makalipas ang mahigit tatlong dekada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.