45 porsyento ng mga Pilipino, handang magpabakuna – SWS survey

By Angellic Jordan July 14, 2021 - 07:31 PM

Nasa 45 porsyento ng mga Pilipino ang nagpahayag na handa silang magpaturok ng COVID-19 vaccine, base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mas mataas ito kumpara sa 32 porsyentong naitala sa May 2021 survey.

Sa tanong kung may pagkakataong bigyan ng libreng bakuna, lumabas sa survey na 36 porsyento ang “will surely get it” at siyam na porsyento ang “will probably get it”.

Nasa 24 porsyento naman ang nagsabing “uncertain about it” o hindi tiyak kung magpapabakuna; 21 porsyento naman ang hindi handa kung saan 18 porsyento rito ang nagsabing “will surely not get it” at tatlong porsyento ang “will probably not get it”.

Napag-alaman din sa naturang survey na pitong porsyento ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine habang tatlo ang nakakuha ng second dose.

Isinagawa ang Second Quarter 2021 Social Weather Survey sa 1,200 adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa buong bansa mula June 23 hanggang 26, 2021.

Ang naturang survey ay may sampling error margins na ±3% para sa national percentages at ±6% naman sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

TAGS: COVIDvaccination, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SWS, SWSsurvey, COVIDvaccination, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SWS, SWSsurvey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.