Zamboanga Del Norte, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2016 - 11:47 AM

el-nino-phenomenonIsinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Zamboanga Del Norte dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Sa datos ng Zamboanga Del Norte agriculture office, umabot na sa P162,401,155 ang halaga ng pinsala sa pananim ng nararanasang tagtuyot.

Sa nasabing halaga, P92,892,655 ang naitalang pinsala sa pananim na palay at P69,508.500 ang halaga ng pinsala sa pananim na mais.

Sa kabuuan, apektado na ng El Niño ang 5,642 ektaryang taniman sa sampung munisipalidad sa lalawigan.

Kabilang dito ang mga bayan ng Sergio Osmena, Sibutad, Piñan, Labason, Gutalac, Godod, Sindagan, Manukan, Kalawit at Rizal.

Maliban sa Zamboanga Del Norte, nauna nang isinailalim sa state of calamity ang mga lalawigan ng Davao Del Sur, Cotabato, Maguindanao, Basilan, Isabela, Quirino at Bukidnon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.