Sinabi ni Senator Christopher Go na may mga panukala siya sa Senado para mapabilis at mapadami ang low-cost housing projects sa bansa.
Ayon sa senador, layon din ng inihain niyang Senate Bill No, 203 na magkaroon ng mekanismo para sa mga nais magkaroon ng sariling bahay at matiyak na maayos at matatag ang mga proyektong-pabahay.
Dagdag pa nito, inihain din niya ang Senate Bill No. 1227 o ang Rental Housing Subsidy Program Act.
Paliwanag niya layon naman nito na ang mga nawalan ng bahay dahil sa mga kalamidad ay magkaroon muli ng matitirahan sa pamamagitan ng subsidiya sa upa.
Aniya ang mga tunay na mahihirap ay mabibigyang tulong na 50 porsiyento sa kanilang upa.
Binanggit din nito ang pagsusulong niya na maisabatas ang Senate Bill No. 1228 para naman sa pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lalawigan, lungsod at bayan bilang paghahanda sa anumang kalamidad.