Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 188.61 milyon

By Angellic Jordan July 14, 2021 - 01:36 PM
Reuters photo

Pumalo na sa 188.61 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 188,616,093 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,807,813 cases.

Sumunod na rito ang India na may 30,946,074 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 19,152,065 naman ang kaso sa Brazil habang 5,833,175 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 5,820,849
– Turkey – 5,493,244
– United Kingdom – 5,191,459
– Argentina – 4,682,960
– Colombia – 4,548,142
– Italy – 4,273,693
– Spain – 4,015,084
– Germany – 3,745,287
– Iran – 3,417,029

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,065,804 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 172,435,944 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.