Dalawang linggo bago ang eleksyon patuloy ang nagaganap na lipatan ng partido ng mga pulitiko.
Pinakahuli ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na iniwan na ang Liberal Party at Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ayon sa aktor na tumatakbong alkalde sa Ormoc, nagkasundo sila ni Rep. Lucy Torres-Gomez na isa namang LP member, na ibigay ang suporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa pagka-bise presidente naman, si Senator Bongbong Marcos ang susuportahan ng mag-asawa.
Kasamang nangampanya ni Marcos sa Ormoc ang inang si dating first lady Imelda Marcos at pinsang si senatorial candidate Ferdinand Martin Romualdez.
Makakalaban ni Gomez sa mayoralty race si incumbent Mayor Edward Codilla habang makakalaban naman ni Lucy sa congressional race ang asawa ni Codilla si Violy Codilla.
Ngayon ang ikatlong araw ng unity caravan ni Marcos sa Eastern Visayas kung saan susuyurin niya naman ang Borongan, Catarman at Catbalogan sa Samar.
Mamayang gabi ay babalik si Marcos sa Tacloban para sa grand rally na gaganapin sa Tacloban coliseum.