Inaprubahan ni Mayor Jaime Fresnedi ang resolusyon ng Sangguniang-Panglungsod na ipatupad na lang ang ‘liquor ban’ kasabay ng ‘curfew hours’ na mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Katuwiran ni Fresnedi ito ay para sa dahan-dahan na pagbubukas ng ekonomiya at para naman makabawi na ang mga negosyo.
“While we introduce the easing of limitation on the sale and consumption of liquor, I implore everyone to be responsible and to contine observing health protocols such as the wearing of face masks and face shield, following physical distancing and frequent hand washing,” sabi ni Fresnedi.
Nakasaad din sa ordinansa na ipinagbabawal pa rin maging ang social drinking ng mga hindi magkakasama sa iisang bahay kahit ito ay loob pa ng pribadong pamamahay.
Ipapasara ng isang linggo ang mga negosyo na lalabag sa ordinansa sa unang paglabag at babawiin na ang business permit kung muling lalabag.
Samantala, ang mga magbebenta ng alak sa ‘curfew hours’ ay pagmumultahin ng P2,000 hanggang P5,000, samantalang ang bibili naman ay pagbabayarin ng P2,500 hanggang P5,000 multa.