Grupo ng mga Filipino-Chinese traders nagkasa ng sariling vaccination rollout
Gamit ang mga biniling sariling COVID 19 vaccines, nagsagawa ng vaccination rollout ang Filipino – Chinese Chambers of Commerce and Industry (FCCCI) sa Maynila.
Ayon kay FCCCI president Henry Lim Bon Liong, 700 indibiduwal ang target nila na mabakunahan ngayon araw.
Dagdag naman ni Dr. Cecilio Pedro, chairman ng FCCCI Operation Bakuna, ang kanilang ibinabakuna ay bahagi ng binili nilang kalahating milyong doses ng Sinovac COVID 19 vaccines.
Prayoridad nila na mabakunahan ang mga miyembro ng kanilang grupo, gayundin ang mga manggagawa para mapasigla muli ang mga negosyo.
Hindi pa nakakatiyak ang FCCCI kung bibili pa sila muli ng mga bakuna.
Ang grupo ang kauna-unahan sa pribadong sektor na bumili ng mga bakuna sa pamamagitan ng tripartite agreement kasama ang gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.