Mababang puwesto sa survey minaliit ng kampo ni VP Leni

Hindi pa naman talagang nagsisimula ang laban kayat hindi nababahala ang kampo ni Vice President Leni Robredo kung nangungulelat ito sa survey.

Ito ang sinabi ni Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo at aniya abala at nakatutok ito sa kanyang pagtugon sa pandemya dulot ng 2019 coronavirus at hindi sa anumang planong-pulitikal.

“VP Leni’s numbers are respectable considering that she has been focused on working on COVID 19 response initiatives and has paid no attention to the frantic positioning for 2022 at all,” ayon pa kay Gutierrez.

Tiwala aniya sila na kung magdedesisyon si Robredo na tumakbo sa pagka-pangulong ng bansa sa 2022, bubuti ang puwesto nito sa surveys.

Puna lang din ni Gutierrez na nagkalat na ang tarpaulins at billboards na ibang ‘presidentiables.’

“Yung iba diyan, deny ng deny na tatakbo, pero nagkalat naman ang mukha at pangalan sa mga billboard at tarp. Si VP Leni, trabaho lang ang tutok,” diin pa nito.

 

 

Read more...