Resolusyon inihain ni Sen. Leila de Lima para mabusisi ang 5-year ‘war on drugs’

By Jan Escosio July 14, 2021 - 11:03 AM

Hiniling ni Senator Leila de Lima na mabusisi ng Senado ang mga datos at epekto ng ‘War on Drugs’ ng kasalukuyang administrasyon.

Sa inihain niyang Senate Resolution No. 770, ikinatuwiran ni de Lima na sa kabila nang paggasta ng bilyong-bilyong piso sa intelligence fund ay wala pa rin maituturing na malaking ‘achievement’ ang kampaniya kontra droga.

Sinabi nito na walang mga sindikato ang nabuwag at ang tanging mga napatay ay low-level suspected drug peddlers.

“Before this administration’s term comes to an end, it behooves the Senate to evaluate the results or performance of one of the centerpiece programs of this government not only to determine the effectiveness of the program but also to hold accountable those who used this program as a cover for corruption and abuses,” diin ng senadora.

Panunumabat nito, sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, sinabi nito na ipapakulong, kundi mapapatay, ang huling drug lord at drug financier, maging ang huling drug pusher sa bansa.

Nabanggit din niya na ang tinukoy pa mismo ni Pangulong Duterte na si Peter Lim ay hindi alam ng awtoridad kung nasaan na at kung nasa bansa pa o nakalabas na ito ng Pilipinas.

Diin niya, sa pagdinig sa Kamara noong 2016 ukol sa diumanoy illegal drug trade sa loob ng pambansang-piitan ang tanging naidulot nito ay ang pagsasampa sa kanya ng mga imbentong kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.