Pangulong Duterte dadalo sa pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway (CLLEx)

SEC. MARK VILLAR PHOTO

Nakatakdang daluhan ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway sa Tarlac bukas, Hulyo 15.

Bahagi ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong-Duterte ang bagong expressway na kadugtong ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx).

Hindi maniningil ng bayad sa 18 kilometrong CLLEx), na pinondohan ng P11.81 bilyon.

Ang biyahe na mahigit isang oras mula Tarlac City patungo sa Cabanatuan City ay magiging 20 minuto na lang para sa mga gagamit sa bagong expressway.

Mapapabilis na ang transportasyon ng mga produktong-agrikultural na mula sa Central Luzon dahil sa CLLEx.

Read more...