Dagdag 1M Sinovac COVID 19 vaccines dumating sa bansa

By Jan Escosio July 14, 2021 - 09:47 AM

NTF AGAINST COVID 19 PHOTO

Karagdagang isang milyong doses ng Sinovac COVID 19 vaccines ang dumating sa bansa ngayon umaga.

Sakay ng Cebu Pacific flight 5J 671, lumapag sa NAIA Terminal 3 ang mga made in China vaccines alas-7:35.

Nabanggit ni Galvez na sa darating na Sabado may darating pang karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac.

Ngayon buwan, inaasahan na 16 milyong doses ang darating sa bansa.

Simula noong Pebrero 28 hanggang sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan, inaasahan na 33 milyong doses na ang dumating sa bansa.

Sa nabanggit na bilang, 10.4 milyon ang binili ng gobyerno, pitong milyon ang mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO), higit dalawang milyon ang donasyon ng ibang bansa at ang natitira ay binili ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.