Duterte-Duterte nanguna sa survey ng Pulse Asia

By Angellic Jordan July 13, 2021 - 06:05 PM

Nanguna sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga posibleng tumakbo bilang presidente at bise presidente para sa 2022 national elections.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 28 porsyento nang kabuuang respondents ang nagsabing iboboto si Duterte-Carpio bilang susunod na pangulo.

Pangalawa sa listahan si Manila Mayor Isko Moreno na may 14 porsyento at sumunod si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 13 porsyento.

Nakakuha naman ng 10 porsyento si Senator Grace Poe; walong porsyento si Senator Manny Pacquiao, anim na porsyento si Vice President Leni Robredo; apat na porsyento si Senator Panfilo Lacson; tatlong porsyento si Senador Christopher “Bong” Go; habang tig-dalawang porsyento naman sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at dating VP Jejomar Binay.

Nasa walong porsyento naman ng mga Filipino ang undecided pa sa ngayon.

Samantala, si Pangulong Duterte naman ang top choice sa mga listahan ng posibleng tumakbo sa pagka-bise presidente.

18 porsyento ang nagsabi na iboboto ang pangulo bilang bise presidente sa susunod na halalan.

Pangalawa sa listahan si Moreno na may porsyento; tig-10 porsyento sina Senate President Vicente Sotto III at Bongbong Marcos; siyam na porsyento si Pacquiao; at walong porsyento si Cayetano.

Anim na porsyento sa respondents ang undecided pa.

Isinagawa ang naturang survey sa 2,400 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interview mula June 7 hanggang 16.

TAGS: 2022candidates, 2022polls, 2022presidentiables, 2022vicepresidentiables, Duterte-Duterte, InquirerNews, PulseAsia, RadyoInquirerNews, 2022candidates, 2022polls, 2022presidentiables, 2022vicepresidentiables, Duterte-Duterte, InquirerNews, PulseAsia, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.