Biyahe ng MRT, isang oras nagka-aberya

MRT-crowdNakaranas na naman ng aberya ang mga pasahero ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) kaninang umaga (Lunes, April 25).

Pasado alas 6:40 ng umaga, nagpatupad ng shortened operation ang MRT at tanging Shaw Blvd., hanggang Taft Ave. lamang ang naging biyahe.

Tanging technical problem lamang ang idinahilan ng mga gwardya ng MRT sa mga naperwisyong pasahero.

Bagaman marami sa mga pasahero ay bumaba na lamang at sumakay na lang ng bus kahit ma-traffic na sa EDSA, ang iba naman ay piniling manatili sa mga apektadong istasyon ng tren at hintaying maiayos ang biyahe.

Matapos ang halos isang oras na walang operasyon mula North Ave. station hanggang Shaw Blvd. station at pabalik ay muling naibalik sa normal ang biyahe.

 

Read more...