CALABARZON, Central Luzon makararanas ng pag-ulan
Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng CALABARZON at Central Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 7:39 ng gabi, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Laguna, Rizal, Bataan at Bulacan.
Maaapektuhan din ang Bamban, Concepcion, San Jose, Mayantoc at Capas sa Tarlac; San Fernando, Bacolor, Mexico, Porac, Angeles City at Mabalacat sa Pampanga.
Uulanin din ang Rosario, San Juan, Taysan, Lobo at Batangas City sa Batangas; General Nakar, Lucena, at Tayabas sa Quezon; Aliaga, Licab, Zaragoza, Cuyapo at Nampicuan sa Nueva Ecija; at sa Zambales.
Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.