Operasyon ng DFA Consular Office sa Cotabato City, sinuspinde

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Cotabato City (CO Cotabato).

Sinabi ng kagawaran na ‘until further notice’ epektibo ang suspensyon.

Paliwanag ng DFA, ito ay dahil sa mga isyu sa Cotabato Consular Office building.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng cotabato.rco@dfa.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Cotabato sa pamamagitan ng email: cotabato.rco@dfa.gov.ph.

Humingi naman ng paumanhin at kooperasyon ang kagawaran sa publiko.

Read more...