Operasyon ng DFA Consular Office sa Cotabato City, sinuspinde

By Angellic Jordan July 13, 2021 - 06:11 PM

Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Cotabato City (CO Cotabato).

Sinabi ng kagawaran na ‘until further notice’ epektibo ang suspensyon.

Paliwanag ng DFA, ito ay dahil sa mga isyu sa Cotabato Consular Office building.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli sa pamamagitan ng [email protected] kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Cotabato sa pamamagitan ng email: [email protected].

Humingi naman ng paumanhin at kooperasyon ang kagawaran sa publiko.

TAGS: DFA, DFAconsular, DFAoperations, InquirerNews, RadyoInquirerNews, DFA, DFAconsular, DFAoperations, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.