Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang 12 container vans na naglalaman ng sibuyas noong July 12, 2021.
Tinatayang aabot sa P24 milyon ang halaga nito.
Sinabi ni Subic Customs collector Marites Martin na dumating ang package sa Subic mula sa China at naka-consign sa dalawang port users: Thousand Sunny, tumanggap ng tatlong containers habang siyam naman sa Dua Te Mira.
Unang idineklara na naglalaman ang mga container van ng frozen chapati bread o flat Indian bread.
Nagdesisyon ang BOC na ideklarang abandonado ang mga cargo matapos walang mag-claim o walang nakapagpakita ng proof of ownership.
Naglalaman ang refrigerated vans ng daan-daang sako ng pulang sibuyas na nagkakahalaga ng P2 milyon bawat van.
Samantala, nanghinayang naman si SBMA Chairman Eisma nang malaman na sisirain ang mga sibuyas.
Iminungkahi nito na i-donate na lamang ang mga sibuyas sa mahihirap o charity institutions.
“In this time of the pandemic when many already lost their jobs, and more have nothing to cook, it’s really a waste if these products will just be destroyed. I hope we could find ways that they could somehow benefit the needy,” saad ni Eisma.
Tiniyak naman nina Martin at Muñoz sa SBMA Chairman na sakaling payagan ng batas, irerekomenda nila ang pag-donate ng mga nakumpiskang sibuyas.
Sinabi ng BOC na magsasagawa sila ng follow-up operations sa misdeclared shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.