Kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa PNP, lagpas 29,000 na

Nasa 88 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (July 13), 29,027 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,486 ang aktibo pang kaso.

77 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 27,456 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 77 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...