Anim patay sa salpukan ng van at truck sa Tagkawayan, Quezon

By Chona Yu July 13, 2021 - 01:00 PM

Patay ang anim na pasahero ng van matapos salpukin ng isang trailer truck sa Tagkawayan, Quezon kaninang umaga, July13.

Ayon kay Police Major Marcelito Platino, ang hepe ng Tagkawayan PNP, minamaheo ni Ron Aldwin Aquino ang Nissan Escapade Urvan at binabaybay ang kahabaan ng Quirino Highway sa Brgy.San Vicente nang aksidenteng mabangga ang paparating na truck na minamaneho ni Arjay Redecialla.

Sa lakas ng impact, anim sa mga pasahero ang nasawi.

Dead on the spot ang drayber ng van na si Aquino at ang mga pasaherong sina Maria Thalia Bombales, Sergie Victor France Reyes at John Robert Diocampo matapos maipit sa loob ng van.

Binawian naman ng buhay habang ginagamot sa ospital ang dalawa pang pasahero ng van na sina Agnes Villarosa at Rommel Galupar.

Tatlo pang biktima ang nasugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, nag-overtake ang drayber ng van subalit nawalan ng control sa manibela kung kaya hindi na nakaiwas sa paparating na truck.

 

TAGS: Agnes Villarosa, anim patay, John Robert Diocampo, Maria Thalia Bombales, Police Major Marcelito Platino, Quezon, Rommel Galupar, Ron Aldwin Aquino, Sergie Victor France Reyes, Tagkawayan, Agnes Villarosa, anim patay, John Robert Diocampo, Maria Thalia Bombales, Police Major Marcelito Platino, Quezon, Rommel Galupar, Ron Aldwin Aquino, Sergie Victor France Reyes, Tagkawayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.