Maaring mapatalsik bilang presidente ng PDP-Laban si Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay PDP-Laban vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi ito ay dahil sa character assassination o paninira ni Pacquiao kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumatayong chairman ng partido.
Ayon kay Cusi, inaakusahan ni Pacquiao ang party chairman ng kung ano-anong paninira nang hindi naman napatutunayan.
Sa July 17, nakatakdang magpulong ang PDP-Laban kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Duterte.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na triple na ang korupsyon sa kasalukuyang administrasyon.
Ibinunyag ni Pacquiao ang umanoý nawawalang P10 bilyong pondo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development pati na ang korupsyon umano sa Department of Energy at Department of Health.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.