Mayor Sara Duterte ayaw ni Pangulong Duterte na mabastos nina Trillanes, de Lima

By Chona Yu July 13, 2021 - 11:25 AM

 

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabastos ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte kung kaya ayaw niya itong tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Ayon sa Pangulo, bilang ama, masakit na bastusin ang kanyang anak.

Inihalimbawa ng Pangulo sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Leila de Lima na panay batikos sa kanyang pamilya.

“My stand is I am against really the candidacy of my daughter. I want her spared from the itong the vagaries of politics dito sa Pilipinas, lalo na itong mga personalities around in the likes of Trillanes, si De Lima, o — walang ginawa kung hindi mag-atake ng kapwa tao nila,” pahayag ng Pangulo.

“Ako, I am… Masasaktan ako ‘pag… Siyempre anak ko. Itong bastos itong bunganga ni Trillanes. Ewan ko kung saan niya nakuha ‘yang katangian na ‘yan. Pati itong si De Lima. She is wallowing in pity and as a consequence of that, she has become virulent almost, virulent talaga ang lumalabas sa bunganga,” dagdag ng Pangulo.

Mas gugustuhin pa ng Pangulo na tumakbo at Manalo na lamang sa susunod na eleksyon ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

“So I would rather that ibigay ang gobyerno sa kanila. Let them win if they… I wish them luck and even wish them win kung manalo sila para kanila na itong gobyerno at gawain nila ang gusto nilang gawin,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, kahit ano pa aniya ang kanyang gawin, hindi pa rin makuntento ang kanyang mga kalaban at tiyak na may mapupuna pa rin.

“So I would rather na kung sila-sila na lang ang patakbuhin at sila’y manalo, nagdadasal ako niyan at makita nila kung papaano nila patakbuhin ang gobyerno, kung gaano kahirap. Tapos after all your — iyong pagod mo, walang katapusan ang batikos because they can never be satisfied. They can no longer be a — ika nga appease by anything except that they are hungry also for power. Mabuti’t matikman nila para makita naman natin kung papaano sila mag-perform. How I wish that they would run and they will win,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na mas makabubuting isantabi muna ng kanyang anak ang pulitika at sa ibang pagkakataon na lamang muling sumabak.

“Magandang ano ‘yan. Ako, gusto ko itabi ko na lang muna ang anak ko. Maybe some other time, not at this time when the Philippine politics is crowded with people in the likes of Trillanes tapos ‘yung si de Lima,” pahayag ng Pangulo.

Una rito, sinabi ni Mayor Sara na bukas siya sa ideyang tumakbong pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

“Gusto ko sila na lang muna. Run at some other time, huwag ngayon kasi wala kang maano dito, mabastos ka lang. It’s not good for a — a woman to be, you know, being — brazen niyong masyadong mga salita at masaktan lang. So as a father, I would not want that to happen to my daughter,” pahayag ng Pangulo.

 

TAGS: antonio trillanes, bastos, Davao City Mayor Sara Duterte, Rodrigo Duterte, Senator Leila De Lima, antonio trillanes, bastos, Davao City Mayor Sara Duterte, Rodrigo Duterte, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.