Internet SIM cards ipinamahagi ng DepEd sa 1M teacher, non-teaching personnel

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng SIM cards para sa internet connection ng may isang milyong guro, maging non-teaching personnel sa buong bansa.

Base sa memorandum, mabibigyan ng SIM card ang lahat ng permanent, contractual, maging mga education personnel na nasa ilalim ng pangangasiwa ng lokal na pamahalaan.

 “This is part of our commitment to deliver the promises of the Bayanihan 2 Act. Through the support of our President, our lawmakers, and our field offices, DepEd has ensured that our personnel and teachers can efficiently provide basic education services to our learners despite the situation,” sabi ni Education Sec. Leonor Briones.

Nabatid na ang bawat SIM card ay may paunang 34GB load at kinakailangan na iparehistro ito para sa mabigyan ng panibagong load kada buwan.

Pinakamaraming matatanggap na SIM card ang DepEd – Calabarzon sa bilang na 119,909 at 101,616 naman sa DepEd – Central Luzon at sa Dep-Ed – NCR naman ay 88,781.

Itinakda ang pamamahagi ng SIM cards hanggang sa Hulyo 23.

 

Read more...