Bulkang Taal nakapagtala ng 171 volcanic earthquake

By Chona Yu July 13, 2021 - 10:50 AM

Aabot sa 171 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nanatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 157 na volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 97 minuto.

Nagbuga rin ang bulkan ng steam-rich plumes na may taas na 1,500 metro.

Ipinagbabawal muna ng Phivolcs ang anumang uri ng aktibidad sa paligid ng bulkan.

Pinapayuhan din ang mga piloto na mag-ingat sa pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa bisinidad ng bulkan dahil sa posibilidad ng airborne ash at ballistic fragments.

TAGS: Alert Level 3, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, steam-rich plumes, volcanic earthquake, volcanic tremor, Alert Level 3, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, steam-rich plumes, volcanic earthquake, volcanic tremor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.