Bilang ng mga pamilyang Filipino na nagutom dumami – SWS survey

Higit 16 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagsabi na nakaranas sila ng gutom dahil sa kawalang ng makakain sa unang tatlong buwan ng taon, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.

Isinagawa ang survey noong Abril 28 hanggang Mayo 2 at ito ay may 1,200 respondents.

Bahagya itong mataas kumpara sa naitala noong nakaraang Nobyembre at doble pa kung ikukumpara sa naiulat na walong porsiyento noong Disyembre 2019.

Tumaas ang nagsabi na sila ay nagutom sa Mindanao sa 20.7 porsiyento o katumbas ng 1.2 milyong pamilya, 16.3 porsiyento naman sa Visayas, kung saan 776,000 pamilya ang nagutom na pamilya.

Sa Metro Manila, 496,000 pamilya ang nagsabing may pagkakataon na wala silang makain at 15.7 porsiyento naman sa Luzon.

Nabatid din na sa naitalang kabuuang bilang, 14.1 porsiyento o 3.6 milyong pamilya  ang nagsabi na sila ay nakaranas ng bahagyang kagutuman, samantalang 2.7 porsiyento o 674,000 pamilya naman ang nagsabing matinding gutom ang kanilang naranasan.

Read more...