Pagtakbong bise presidente ni Pangulong Duterte, panakot lang sa mga kalaban
Sa unaha-unahang pagkakataon, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na panakot lamang niya sa mga kalaban ang pagkakaroon ng interes na tumakbong bise presidente sa 2022 national elections.
Pero ayon sa Pangulo, mas makabubuting tingnan muna ang sitwasyon sa pulitika sa susunod na eleksyon.
Kung makabubuti aniya sa bansa ang pagtakbong bise presidente, gagawin niya ito, kung hindi naman, hindi na niya ito itutuloy sabay sabing pagsasayang lamang ito ng oras.
“Ako naman ‘yung vice president ko pantakot lang sa kanila ‘yan. But sabi ko, let us see if it is — kaya ako, if it is good for the country, I will do it. If it does not contribute anything to our Republic, then huwag na lang, magsasayang lang tayo ng oras pati you contribute to the conundrum of the moment,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong ang PDP-Laban na humihimok kay Pangulong Duteerte na tumakbong bise presidente sa susunod na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.