Duterte kay Pacquiao: Punch drunk ka!

By Chona Yu July 13, 2021 - 08:09 AM
Punch drunk! Ito ang naging tawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay pambansang kamao at Senador Manny Pacquiao matapos ibunyag na nawawala ang P10 bilyong Social Amelioration Program (SAP). Ayon sa Pangulo, mistulang lasing si Pacquiao sa mga ibinunyag na alegasyon. Pakiusap ng Pangulo sa publiko, huwag maniwala sa mga alegasyon ni Pacquiao. Tiyak kasi aniyang hindi siya papayag maging ang Commission on Audit kung maglalahong parang bula ang napakalaking pondo. Payo ng Pangulo sa publiko, mag research sa kani-kanilang cellphone lalo’t mayroon namang internet. “Mga kaibigan ko, huwag kayong maniwala niyan 10 billion mawala. That is the work of… I have a term for that, it is not mine, I just borrowed it, but I think Pacquiao is punch-drunk, punch-drunk. And I leave it up to you. Mayroon man kayong cellphone, hanapin ninyo, ” pahayag ng Pangulo. Una nang ibinunyag ni Pacquiao na ang Starpay, isang E-wallet application na ginamit ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nabigong ipamahagi ang kabuuang pondo sa ilalim ng SAP. Ayon kay Pacquiao, 500,000 sa 1.8 million beneficiaries ang nakakuha ng ayuda. Wala aniyang nakuha kahit piso ang natitirang 1,3 milyong beneficiaries. “I think he is. To be talking about 10 billion from nowhere. Papayag ba naman ang COA niyan? At hindi lang ‘yan, papayag ba kami? Papayag ba ang mga secretary ng mga departamento na papayag na ganoon na may mawala, 10 billion? That is a statement coming from a guy who is punch, suntok ba, punch-drunk, lasing. Look it up sa ano ninyo, makita ninyo sa cellphone ninyo. Diyan sa internet diyan eh, ” pahayag ng Pangulo.

TAGS: P10 bilyong SAP fund, punch drunk, Rodrigo Duterte, Senador Manny Pacquiao, P10 bilyong SAP fund, punch drunk, Rodrigo Duterte, Senador Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.