Inabangan na ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency (PDEA) ang kukuha ng package sa Quezon City Central Post Office na nakumpirmang naglalaman ng libu-libong ecstasy tablets.
Naaresto ng mga ahente ng PDEA – NAIA NCR Inter-Agency Interdiction Task Group sina Ma. Isabella Albano, 27-anyos ng Quezon City at Jessica Munoz, 27-anyos ng Bacoor City, Cavite nang kuhanin nila ang package.
Nagmula sa German ang package at idineklarang naglalaman ng mga laruan at damit pang-bata.
Samantala, ang 5,637 piraso ng colored ecstasy tablets ay itinago sa isang foot massager at nagkakahalaga ito ng higit P9.582 milyon.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kahaharapin ninan Albano at Munoz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.