Nakakaapekto ang Easterlies o hangin galing sa Pacific Ocean sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, nagdadala ang weather system ng ng mainit at maalinsangang panahon.
Maliban dito, nagdudulot din ito ng maulap na kalangitan sa Silangang bahagi ng bansa, kasama ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Sa Lunes ng gabi, mataas aniya ang tsansa na makaranas ng pag-ulan ang Albay, Catanduanes, Camarines provinces, Marinduque, Quezon province at Aurora.
Sa nalalabi namang parte ng bansa, may iiral din aniyang localized thunderstorms kabilang ang natitirang bahagi ng MIMAROPA, Central portion ng Luzon, Ilocos region, Western Visayas, Sulu archipelago at Zamboanga peninsula.
Samantala, tiniyak ni Estareja na walang bagyo o sama ng panahon na posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.