BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 1.47-M na; 5,204 ang nadagdag

Lagpas 5,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (July 12), pumalo na sa 1,478,061 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 49,128 o 3.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,204 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

89.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.7 porsyento ang asymptomatic; 1.72 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 100 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 26,015 o 1.76 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 5,811 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,402,918 o 94.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...