Duterte, Roxas nanguna sa inquirer.net poll

 

Screengrab mula sa ABS-CBN

Sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Mar Roxas ang napili ng mga mambabasa ng Inquirer.net bilang siyang mga lumutang sa ikatlo at huling presidential debate na ginanap sa Phinma University of Pnagasinan kahapon.

Si Duterte ang napilipi ng mga Inquirer.net Facebook users samantalang sa website naman ay si Roxas ang nanguna.

61 porsiyento ang nakuha ni Duterte sa Facebook poll.

Samantala, si Roxas naman ay umani ng 7,680 na boto o 55.97 porsiyento ng kabuuang mga boto.

Sa kabuuan, umani ng 14,043 na boto ang inquirer.net website poll samantalang 88,155 na boto naman ang naitala sa Facebook.

Read more...