Pagkahapo, hindi inalintana ni Sen. Santiago

By Kathleen Betina Aenlle April 25, 2016 - 04:42 AM

 

Kapansin-pansin ang mas malakas na pangangatawan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kaniyang pagdalo sa ikatlo at huling presidential debate sa Dagupan City.

Kung ikukumpara sa estado ng kaniyang kalusugan noong unang debate at sa mga nauna niyang paglabas sa publiko, halatang mas umigi ang kalagayan ni Santiago ngayon tulad ng sinasabi niyang “back to normal” na siya.

Matatandaang hindi dumalo sa ikalawang debate si Santiago para sumailalim sa isang clinical trial ng mamahaling anti-cancer pill.

Ngunit, sa kabila nito, naging kapansin-pansin rin ang paminsan-minsang pag-tigil at pagkahapo ni Santiago habang sumasagot sa debate.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon kung saan matagal na natatahimik si Santiago matapos siyang tanungin kung may nais pa ba siyang idagdag sa kaniyang mga naisagot na tungkol sa contractualization.

Hiniling niya pa sa moderator na si Karen Davila na ulitin ang tanong para sa kaniya bago siya nakasagot.

Sa ilang mga pagkakataon naman ay halatang may hirap siya sa pagsasalita.

Ilang beses na ring sinabi ng Senador, pati na sa mismong debate, na gumagaling na siya at pakiramdam niya na mas maigi ang epekto sa kaniya ng “secret pill” na ginagamit niya sa clinical trial.

Gayunman, sa kabila ng mga tila hirap sa pananalita ng Senadora sa debate, hindi pa rin siya nagpahuli at nagpadaig sa kaniyang mga katunggali.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.