Sen. de Lima sinariwa mga pahayag ni PNoy sa pakikipaglaban sa teritoryo ng Pilipinas

By Jan Escosio July 12, 2021 - 12:37 PM

“Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin.”

“You may have the might, but that does not necessarily make you right.”

Ang mga ito, ayon kay Sen. Leila de Lima, ay ilan lamang sa binitawang salita ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pagtataguyod sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas.

“Hindi naduwag. Hindi nagpakatuta. Hindi nagpa-bully. Hindi huwad ang tapang. Ang salita niya ay tinumbasan ng gawa. Hindi nagpasindak sa lakas ng Tsina, sa halip ay inuna ang Pilipino, ipinaglaban ang ating kalikasan at kabuhayan, ipinagtanggol ang integridad ng ating soberanya, at itinaguyod ang ating pambansang dangal,” sabi pa ni de Lima patukoy sa yumaong pangulong.

Ayon pa sa senadora, ngayon ginugunita sa bansa ang ika-limang taon ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa China sa Permanent Court of Arbitration (PCA), dapat ay tunay na pahalagahan ang makasaysayang pangyayari.

“Hindi ito basta kapirasong papel na malulukot lang at itatapon: Ito ay makasaysayang dokumento na simbolo ng tagumpay ng Pilipinas at sagisag ng tapang nating mga Pilipino—kung paanong nanindigan ang gobyerno at nagkaisa ang sambayanan para harapin ang kalaban, gaano man ito ka-impluwensya o kadambuhala,” bilin pa ng senadora.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.