Mga botong hindi binibilang sa overseas voting, ikinaalarma ni Sen. Bongbong Marcos

By Chona Yu April 25, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Nababahala si Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Overseas Absentee Voting (OAV) na isinasagawa sa ibat-ibang bansa.

Ayon kay Marcos, marami kasi sa kanyang mga tagasuporta ang bomoto na sa OAV subalit kapag naisasalang na ang balota sa Vote Counting Machines (VCM), hindi nabibilang ang boto para sa kanya.

Sa halip aniya na mapunta ang boto kay Marcos, napupunta ang boto kay Senador Gringo Honasan at sa ibang kalabang vice predidential aspirants.

Naitala aniya ang ganitong insidente sa Dubai, Kuwait, Bangkok, Hong Kong at sa Okinawa, Japan.

Naireport na ni Marcos ang ganitong insidente sa Comelec noong nakaraang linggo pero mistulang bitin ang naging aksyon ng poll body dahil patuloy pa rin aniya itong nangyayari.

Apela ni Marcos sa Comelec at maging sa Smartmatic na siyang provider ng VCM na magpaliwanag at agad na ayusin ang problema.

Giit ni Marcos, labis na nakababahala ang ganitong insidente sa posibilidad na magkaroon ng malawakang dayaan sa Pilipinas sa May 9 national elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.