Mataas na presyo ng asukal sa bansa pinuna, sugar smuggling pinaiimbestigahan
Inutusan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Customs (BOC) na imbestigahan ang posibleng pagpupuslit ng asukal sa bansa.
Sinabi ni Dominguez na mataas ang halaga ng asukal sa Pilipinas kumpara sa pandaigdigang presyo.
Aniya may mga ulat na ilang sugar traders ang pinapalitan ang deklarasyon ng kanilang inilalabas na volume o dami ng asukal kumpara sa kanilang iniaangkat.
Sa isang pulong, binanggit ni Dominguez kay Customs Comm. Rey Guerrrero na may kompaniya sa Cebu na sangkot sa naturang ‘modus’ base sa mga ulat na mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Samantala, iniulat ng BOC na mula noong Enero 1 hanggang nitong Hunyo 14, umabot sa P7.22 bilyon ng smuggled goods ang kanilang nakumpiska at malaking halaga ng mhga ito ay mga pekeng produkto, sigarilyo, general merchandize at illegal drugs.
Ang iba pang mga nakumpiska ay binubuo ng agricultural products, vehicles and accessories, used clothing, electronics, firearms, alcoholic beverages, wildlife, medical supplies, jewelry, chemicals, pera at produktong petrolyo.
Sinabi ni Guerrero na kabuuang 42 kasong kriminal ang naisampa na nila laban sa 154 suspected smugglers sa DOJ at may licenses brokers ang nasampahan naman ng 32 administrative cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.