Akusasyon na napapabayaan na ni PNoy ang bansa dahil sa pamumulitika, itinanggi
Tiniyak ng Malakanyang na ang kapakanan ng mga Pilipino ay nananatiling numero unong prayoridad ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa lahat ng pagkakataon, ang pangunahing prayoridad ni Pnoy ay ang masinsing pagtutok sa mga may kinalaman sa pambansang interes at ang pagtataguyod ng kabutihan ng mga “boss”, ang sambayanang Pilipino.
Pahayag ito ni Coloma sa alegasyon ng grupong BAYAN na bigo si Pangulong Aquino ana tugunan ang epekto ng El Nino phenomenon dahil masyadong abala sa kampanya ng Liberal Party.
Giit pa ng Malacanang official, mahigpit na minomonitor ng Presidente ang implementasyon ng mga programang makakapag-pabawas sa epekto ng El Nino.
Bukod dito, nakatutok din aniya si Pnoy sa national security at pagsisiguro para sa maayos na May 9 elections.
Muli namang binigyang-diin ni Coloma na sumasama si Pangulong Aquino sa LP sorties dahil sa paniniwalang may responsibilidad siya na matiyak na maipagpapatuloy ang mga programa sa ilalim ng Daang Matuwid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.