DOH nakapagtala ng karagdagang 5,916 COVID 19 cases

Inanunsiyo ng Department of Health na nakapagtala ng karagdagang 5,916 COVID 19 cases sa bansa ngayon araw ng Linggo.

Bunga nito, 1,473,025 na ang kabuuang bilang ng naitalang COVID 19 cases sa bansa.

Nasa 3.4 porsiyento o 49,701 sa kabuang bilang ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 6,127 ang bilang ng mga gumaling para sa kabuuang 1,397,403.

Samantala, nadagdagan naman ng 105 ang bilang ng namatay para sa kabuuang 25,92.

Naging operational ang lahat ng laboratoryo noong nakaraang Biyernes, Hulyo 9, ngunit may tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID 19 Document Repository System.

Read more...