DepEd, tinanggap ang paumanhin ng World Bank

By Angellic Jordan July 10, 2021 - 12:52 PM

Tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang paghingi ng paumanhin ng World Bank (WB) ukol sa inilabas na synthesis report kung saan inilahad na kulelat ang mga estudyante sa Pilipinas pagdating sa Math, Science at English.

Ang naturang ulat ay may pamagat na ‘Improving student learning outcomes and well-being in the Philippines: What are international assessments telling us?’.

“Higit pa sa pag-amin sa pagkakamaling hindi napansin, inaasahan naming ang pahayag ng WB ay malinaw na nagbigay-diin sa pangako at konkretong mga hakbang na ginagawa ng Kagawaran, kasama na ng aming mga partner, upang malutas ang matagal nang mga isyung nakasasama sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas,” pahayag ng kagawaran.

Naunang nagpahayag si Education Secretary Leonor Briones dahil nainsulto at napahiya aniya ang kagarawan.

Dapat aniyang mag-sorry ang World Bank dahil hindi man lang kinunsulta ang kanilang hanay.

TAGS: DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad, worldbank, DepEdPhilippines, DepEdTayo, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad, worldbank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.