Guro, arestado sa pagbebenta ng shabu

By Kathleen Betina Aenlle April 25, 2016 - 04:26 AM

 

handcuffsTimbog ang isang guro sa bayan ng Loboc, Bohol dahil sa hinihinalang pagbebenta ng shabu.

Ayon kay Loboc police chief Inspector Sam Dacullo, pansamantalang nakakulong ngayon si Eladio Gonzaga na isang guro sa Bartolome Doria Elementary School sa Brgy. Calunusan Norte, bayan ng Loboc.

Naaresto si Gonzaga Biyernes ng gabi sa isang buy-bust operation malapit sa kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Bukod sa nahuli siyang nagbe-benta ng droga, nakuhanan rin siya ng isang sachet ng shabu matapos siyang kapkapan ng mga pulis.

Ani Dacullo, matagal na nilang tinitiktikan si Gonzaga, makaraang mag-sumbong sa kanila ang isa pang guro na nag-sabing minsan pa ay ginagamit ng kaniyang mga kliyente ang banyo sa paaralan sa pot session.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs at Section 11 o Possession of Dangerous Drugs si Gonzaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.