NoKor, nagsagawa ng submarine missile test
Kinumpirma ng North Korea na nagsagawa sila ng submarine-launched ballistic missile na pinangunahan pa mismo ng kanilang pinunong si Kim Jong-Un.
Ayon sa mga sundalo ng South Korea, isang missile mula sa submarine ang inilunsad ng Pyongyang patungong east coast noong Sabado.
Ipinagmalaki pa ng official news agency ng North Korea na KCNA, na naging matagumpay ang kanilang underwater launching system, na tumugma pa anila sa lahat ng rekisitong kailangan para makapagsagawa ng underwater attack.
Ayon din kay State Department spokesman John Kirby, na-detect nila ang isang North Korean submarine missile launch pero wala naman itong dalang banta sa North America.
Parehong naniniwala ang South Korea at Estados Unidos na may dine-develop na submraine-launched ballistic missile ang NoKor.
Bagaman matatagalan pa bago mabuo ang ganitong klase ng teknolohiya, oras na maisakatuparan ito ng NoKor, isa itong malaking banta sa seguridad ng mga kalapit nitong bansa, pati na sa U.S.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.