Comelec handa sakaling sampahan ng impeachment dahil sa ‘Comeleak’

By Isa Avendaño-Umali April 25, 2016 - 03:13 AM

 

Andres-Bautista-1012Handa ang mga opisyal ng Commission on Elections o Comelec na harapina gn anumang kaso, kahit na ito ay isang impeachment complaint dahil sa tinaguriang ‘Comeleak’ o pagkalat ng data ng mga botante.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista Bautista, haharapin niya ang posibleng impeachment case o anumang reklamo na ihahain laban sa kanya.

Pero muling iginiit ng opisyal na ang website ng Comelec ay matagal nang nabuo, bago pa man daw siya maitalaga bilang Chairman ng poll body.

Sa panig naman ni Commissioner Rowena Guanzon, nirerespeto niya ang karapatan ng mga tao na magsampa ng reklamo, lalo’t kung naaayon ito sa batas.

Nauna nang humingi ng tawad ang Comelec sa publiko lalo na sa mga botante dahil sa data leak o pagkakalantad ng mga sensitibong impormasyon gaya ng pangalan, address at kaawaran.

Sa ngayon, wala na ang website at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sino ang mga responsible sa data leak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.