Pagbili ng 60,000 tablets, mobile data, hygiene kits sa Manila aprubado na ni Moreno

Manila PIO photo

Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbili ng mahigit 60,000 na tablets, mobile data, hygiene kits.

Ipamimigay ang mga tablet sa mga estudyanteng bagong enroll sa public schools.

Ayon kay Mayor Isko, nagkakahalaga ng P364,920,000 ang mga bibilhing kagamitan.

“Despite the challenges we face due to the pandemic, patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ang ating mga estudyante,” pahayag ni Mayor Isko.

Bibigyan din ni Mayor Isko ng buwanang internet data ang mga estudyante sa K-12 at hygiene kit sa mga teaching at non- teaching personnel.

“As much as possible, we want all students to be able to continue learning,” pahayag ni Mayor Isko.

Ayon kay Mayor Isko, may naka-stand by na P60,532,256.37 na pondo sakaling tumaas ang bilang ng enrollment sa susunod na pasukan.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang, bumili ang lungsod ng 110,000 tablet devices at 11,000 laptops na may pocket WiFi para sa mga estudyante at guro.

Gumastos ang lungsod ng P994 milyon.

Read more...